Naalala ko 'yong mga early stages na inaaral ko palang 'yong tamang paghuhugas ng plato. Excited ako. Up until this age naman sa lahat ng gawaing bahay, paghuhugas ng plato ang pinaka-naeenjoy ko. Pero I didn't get it right agad agad ah. Maraming beses na nakabasag muna ako ng plato. Baso. Tasa na pakatago-tago pa minsan ng Nanay ko. Nakalaan daw kasi 'yon para sa mga espesyal na bisita. Pero alam mo ba, sa dami ng nabasag ko, hindi lahat 'yon properly reported. Sa takot kong mapagalitan dati, noong una, ang ginagawa ko binabaon ko sa lupa o kaya dinadala ko sa basurahan ng kapitbahay para di na nila makita. Pag nagtanong dati si Nanay [addressing the whole members of the family] kung nasaan 'yung ganito o ganyan niya, hindi ako kumikibo. Patay malisya. Ang nasa utak ko that time, 'di naman niya ako directly tinatanong eh. So hindi ako nagsisinungaling.' Inaral ko pa noon yung konsepto ng white lies. Sabi ko, 'ito ba yun?'
Why I am sharing this now? Well, eventually nahuli din ako talaga ng Nanay ko. Nabungkal kasi ng aso one time yung binaon ko at nakita niya. Doon palang ako umamin. Nagalit siya syempre. Pero alam mo kung saan siya mas galit? Sa katotohanang tinago ko pa ang lahat. May isang linya akong di makalimutan dati. Sinabihan niya ako na, "Ikaw ah, akala mo di ko alam yung mga binabaon mo kaya nauubos plato ko."
Remembering those moments now, napapangiti nalang ako pero the more na naiisip ko siya, di ko maiwasan maikumpara sa lahat ng aspeto ng pagkatuto natin ngayong 'grown ups' na tayo. At some point in our lives, parang early stages ng paghuhugas ng plato, we commited mistakes. And sadly, sometimes our responses were either we hid them, hid ourselves away, washed our hands clean, denied them, blame others... any thing not related to accountability and ownership.
BAKIT? Well madalas kasi either nahihiya tayong aminin sa sarili natin na mali talaga tayo at majudge ng ibang tao o kaya naman masyadong mataas ang pride natin to bow down and admit that we don't know.
Nito ko nalang din narealized na, "oo nga hano, kahit sabihin kong walang nakakita or nakakaalam ng mga ginawa ko --- 'yung mga taong nasaktan ko, mga pangit na naisip ko or nasabi ko... witness pa rin ng Lord ang lahat." The Lord knows even the very numbers of my hair. I cannot hide away from Him. Kaya alam mo ngayong mas mature na ako sa faith and mindset , palagi ko nalang dasal, " Lord, you are seeing things that are hidden in me. Reveal more of yourself to me so I can be more like you."
Comments