Nasa dulong bahagi ako ng pila
Mula sa kinatatayuan ay tanaw ko ang lahat ng pagkislot at pagkibot ng mga naiinip na pasahero
Isang matandang babae sa gitna ang nagpakawala ng malakas na buntong hininga
"Kanina pa'ko dito pero halos hindi naman umuusad," sabi niya.
Narinig ng lahat pero walang sumubok gatungan ang reklamo
Siguro'y napagod na
Sa bandang unahan ay nakarinig ako ng malakas na sigawan
At lumakas pa. Lumalakas pa.
Mas ramdam na ang tensyon
May sumingit pala sa pila
Maya- maya pa ay umihit sa pag-iyak ang isang sanggol
Halo-halong ingay ang nasa estasyon
Pero mas nangibabaw ang pagdaing ng bata
Bagaman walang kakayahang magsalita
Ramdam ko kung gaano siya kairitable.
Dahan-dahan siyang niyugyog ng nanay sa kanyang balikat
Ina-alo. Nagpatuloy ang ingay.
Saka ko biglang naalala
Iyong huling beses na umiyak ako sa Panginoon
At kung paano n'ya rin ako kinalma.
Sinuyo. Inalo.
Napangiti nalang ako mag-isa
Sabay napabulong sa hangin
"Iba ka talaga magmahal Lord."
Comments