top of page
  • Black Facebook Icon
  • Black YouTube Icon
  • Black Instagram Icon
Search

Ikaw ay isang Talata

Writer: mieraclesmieracles


Ikaw ay isang talata,

Puno ka ng kahulugan.


May taglay kang lalim

Ngunit mayroon din namang paminsang babaw.


Maraming beses ko nang nakita ang iba't iba mong bersyon

Gayun din ang iba't ibang kulay ng iyong mga emosyon.


Tanggap kita

Sa ano mang kulay o mukha

Timpla o tono ng pananalita

Tanggap kita.


Iintindihin kita

Sa mga pagkakataong hindi ka lubos maunawaan

O maging sa mga panahong hindi mo nais magpaliwanag.


Pipiliin kita

Sa mga araw na ikaw mismo ay may alinlangan sa sarili

O sa mga tahimik na gabing kinakain ka ng duda.


Maging malaya ka

Huwag kang matakot maghayag gaano man kabigat

ang mga nais sambitin na salita.

Makikinig ako

Makikinig ako ng walang panghuhusga


Oo, ikaw ay isang talata

Ngunit hindi ko kailangan ng iyong mga salita upang maintindihan

Hindi mo kailangang humikbi upang ipadinig ang daing

Hindi mo kailangan ng malakas na halakhak upang ipahiwatig ang saya.


Kabisado kita.

Rinig kita sa iyong mga nakabibinging katahimikan.

Kaya kitang basahin sa pamamagitan ng pagtanaw.

Kaya kitang maramdaman kahit na may distansya.











 
 
 

Recent Posts

See All

Comments


WHAT CAN I PRAY FOR YOU?

Thanks for submitting!

© 2016 Evening Thoughts by mieracles

  • Instagram
  • YouTube
  • Facebook
bottom of page